Ganap na pagsasabatas ng Maharlika Investment Fund, welcome sa DBM

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malugod na tinanggap ng Department of Budget and Management o DBM ang ganap nang pagsasabatas ng Maharlika Investment Fund.

Ito’y ayon kay Budget Sec. Amenah Pangandaman makaraang malagdaan na ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araw.

Ayon kay Pangandaman, makatutulong ito upang mabigyan pa ng mas malawak na pagkakataon ang pamahalaan na maihatid ang serbisyo nito.

Pinapurihan din ang Kalihim sa Kongreso dahil sa mabilis nilang pag-aksyon upang maisabatas ang inaasam na sovereign fund ng pamahalaan.

Kasunod nito, tiniyak din ni Sec. Pangandaman ang masigasig na pagtulong ng DBM sa pagbalangkas ng Implementing Rules and Regulations o IRR ng MIF. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us