Growth projection ng ADB para sa Pilipinas, patunay na patungo ang bans sa middle income status

Facebook
Twitter
LinkedIn

Positibo ang pagtanggap ng lider ng Kamara sa growth projection ng Asian Development Bank para sa Pilipinas.

Para sa 2024, nakikita ng ADB na lalago ang ekonomiya ng bansa ng 6.2 percent

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, ipinapakita nito na tama ang tinatahak na landas ng bansa upang maabot ang middle-income status sa 2025.

Pasok din aniya ang pagtaya ng ADB sa 6.0 hanggang 7.0 porsyentong range na itinakda ng mga economic manager ng bansa ngayong taon at sa 6.5 hanggang 8.0 porsyento mula 2024 hanggang 2028.

Hindi rin umano ito nalalayo sa economic growth forecast ng International Monetary Fund (IMF) na 6 porsyento.

“With President Marcos’ steady hand at the helm and everyone pulling together, I am confident that we can reach our goal and overcome any rough waters that we may encounter on our journey,” sabi pa ni Romualdez.

Sa panig naman ng Kamara, sinabi nito na patuloy silang bubuo ng mga panukalang batas na mang-eenganyo ng mga negosyante na mamuhunan sa bansa, para sa pag-usad ng ekonomiya at nang mapakinabangan ng lahat ang benepisyo nito.

“We will await the President’s plans for the country’s direction next year in his State of the Nation Address (SONA) and we will waste no time in working with the Executive to put in place the necessary reforms to uplift the lives of our people,” sabi pa ng lider ng Kamara.| ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us