Palalawigin ng Government Service Insurance System (GSIS) hanggang Disyembre 2025 ang condonation at restructuring program para sa mga housing accounts nito.
Ayon kay GSIS President and Genera Manager Wick Veloso, nilalayon na maging homeowners ang kanilang borrowers, at upang mai-update din nito ang kanilang mga housing account at mapadali ang proseso ng kanilang pagbabayad.
Nangako rin si Veloso na sisimulan rin nila na gumawa ng mga hakbang sa pagpapadali ng pagpapautang ngunit tiniyak rin nito na nasa mabuting kalagayan ang pension fund para sa mga kasapi nito.
Sa pamamagitan nito, nag-aalok na ngayon ang GSIS ng full payment options para sa mga housing loan applicants, kabilang ang waiver ng lahat ng natitirang mga multa at surcharge, gayundin ng karagdagang diskwento sa natitirang interes.
Ang GSIS Housing Condonation Program ay isa sa tatlong component sa ilalim ng Pabahay para sa Bagong Bayani na Manggagawa ng Pamahalaan (PBBM). | ulat ni Gab Humilde Villegas