Tinitignan na ng Government Service Insurance System (GSIS) ang posibilidad na mag-invest sa agricultural mechanization upang mapalakas ang produksyon ng pagkain sa bansa.
Ito ay matapos mangyari ang pagpupulong sa pagitan nina Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian at GSIS President and General Manager Wick Veloso kung saan tinalakay nila ang posibleng pag-invest upang maabot ang layunin ng Masagana Rice Industry Development ng Department of Agriculture.
Sinabi ni Veloso na tumitingin na ang GSIS sa pag-invest sa sustainable agricultural mechanization na isinasaalang-alang ang farming tools na environment-friendly, makatuwiran ang presyo, matibay, at adaptable sa local conditions
Maliban pa sa mechanization, binanggit rin ni Sebastian ang kalahagahan ng clustering at consolidation upang maabot ang food security agenda ng administrasyong Marcos.
Ang nasabing hakang ay sang-ayon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang ikalawang State of the Nation Address noong July 24. | ulat ni Gab Humilde Villegas
: GSIS