Halaga ng pinsala sa agrikultura dulot ng Bagyong Egay, umabot na sa P62 milyon—DA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pumalo na sa P62 milyon ang halaga ng pinsala sa sektor agrikultura na dulot ng pananalasa ng Bagyong Egay, ayon sa Department of Agriculture.

Batay sa pinakahuling datos ng DA Regional Field Offices sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Calabarzon, Mimaropa, at Caraga, mahigit 3,000 na mga magsasaka ang naapektuhan kung saan mahigit 2,000 metriko tonelada ng produksyon ang nasayang matapos tamaan ng bagyo ang mahigit 4,000 ektarya ng lupang sakahan.

Kabilang sa mga apektadong pananim ay palay, mais, pati na ang livestock at poulty.

Kaugnay nito ay magbibigay naman ng tulong ang DA para sa mga apektadong magsasaka, gaya ng iba’t ibang buto ng palay at gulay, mga gamot para sa mga alagang hayop, at. tulong pinansyal na aabot sa P25,000.

Patuloy naman na nakikipag-ugnayan ang DA sa regional field offices nito para ma-monitor ang epekto ng Bagyong Egay sa agri-fisheries sector. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us