Halos 200 residente na nagbalik-sitio sa Patikul, Sulu, nakatanggap ng tulong mula sa pamahalaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot sa nasa 176 residente ng sitio Lumbaan, barangay Buhanginan, Patikul, Sulu ang nahatiran kahapon ng ayuda matapos magsiuwian sa naturang lugar sa ilalim ng Balik-Sitio Program ng pamahalaan.

Pinangunahan ni Governor Abdusakur Tan katuwang ang lokal na pamahalaan ng Patikul, AFP, PNP, mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno gaya ng Ministry of Public Works (MPW) -1st District Engineering Office, Ministry of Social Services and Development (MSSD), Ministry of Health (MOH), Ministry of Interior and Local Government, Ministry of Trade Investment and Tourism at iba pa.

Maliban sa pamamahagi ng tig-isang sakong bigas at tulong pinansiyal ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Task Force on Ending Local Armed Conflict, namigay din ng karagdagang ayudang bigas, grocery at non food items ang MSSD, mga moskitero naman, wheelchairs at water containers ang mula sa MOH at libreng gupit at ear piercing ang sa Patikul LGU.

Kasabay nito, pinangunahan ng MPW ang inagurasyon at ribbon cutting ng kalsada sa sitio Parang Parang patungo sa sitio Lumbaan at ng Water System Level II project na kapakipakinabang sa mga nagbalik sitio.

Pinuri ni Gov. Tan ang pagkakaisa ng AFP, PNP at lokal na pamahalaan sa maayos na pagpapatupad ng kanilang tungkulin upang maibalik ang kaayusan at katahimikan na nagbigay daan sa kaunlaran sa naturang bayan.

Habang, pinasalamatan naman ni Mayor Kabir Hayudini ang mga ito sa pamunuan ni MGen Ignatius Patrimonio, Commander ng 11th Infantry Division at Joint Task Force Sulu sa walang humpay na suporta sa Patikul at sa mga mamamayan nito.| ulat ni Mira Sigaring| RP1 Jolo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us