Halos 30,000 indibidwal, apektado ng habagat at bagyong Dodong — DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot na sa 9,922 pamilya o katumbas ng halos 30,000 indibidwal ang naitalang apektado ng pananalasa ng bagyong Dodong at ng habagat.

Sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, as of July 16, ay naitala ang mga apektado sa Ilocos Region, Central Luzon, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, at National Capital Region (NCR).

Kaugnay nito, mayroon na ring 192 pamilya o katumbas ng 750 na indibidwal ang pansamantalang nananatili ngayon sa 18 evacuation centers habang nasa higit 400 pamilya rin ang nakikitira muna sa kanilang kaanak.

Samantala, nakapagtala na rin ang DSWD ng tatlong kabahayan na labis na nasira sa kalamidad habang isa ang partially damaged.

Tiniyak naman ng DSWD ang tulong na ipapamahagi nito sa mga lalawigang inulan dahil sa epekto ng habagat at bagyong Dodong.

Katunayan, nasa higit ₱2-bilyon na ang halaga ng stockpiles at standby funds na inilaan nito para sa mga apektado ng bagyo. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us