Halos kalahating milyong bagong trabaho, nalikha sa sektor ng turismo noon isang taon — DOT

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinagmalaki ng Department of Tourism o DOT ang naging tagumpay nito, isang taon buhat nang magsimula ang administrasyong Marcos Jr.

Ayon kay Tourism Sec. Ma. Christina Frasco, malaking bilang ng mga nalikhang trabaho ay nagmula sa sektor ng turismo mula sa patuloy na pagbangon ng Pilipinas sa epektong dulot ng pandemya.

Giit ng Kalihim, kasalukuyan nang inaani ng bansa ang mga bunga ng pagsusumikap ng pamahalaan na muling buksan ang bansa sa mga banyagang turista at maipakilala ang mga likas yaman, sining at kultura nito

Nagresulta aniya ito sa paglikha ng mas maraming trabaho at pagkakataon para sa mga Pilipino.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority o PSA, nasa 5.35 million ang naitalang tourism employment noong isang taon.

Nadagdagan ito ng 450,000 trabaho na mas mataas ng 9.3 percent kumpara sa naitalang tourism employment noong 2021 na nasa 4.90 million na trabaho lamang. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us