Higit 1,400 pamilya, inilikas sa Barangay Bagong Silangan dahil sa pagtaas ng tubig baha

Facebook
Twitter
LinkedIn

Abot sa 1,406 na pamilya o katumbas na 4,592 indibidwal ang sapilitang inilikas sa barangay Bagong Silangan simula kagabi.

Isinagawa ang forced evacuation ng pamahalaang lungsod ng Quezon ng tumaas ang tubig baha sa Marikina River.

Ang mga apektadong ay mula sa 31 lugar sa barangay na malapit sa ilog.

Bagama’t bumaba na sa alarm level 1 ang ilog ng Marikina ay hindi pa pinapayagang makabalik sa kanilang tirahan ang mga residente.

Mananatili muna sila sa evacuation centers hangga’t may banta pa ng mga pag-ulan dulot ni bagyong Falcon at habagat. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us