Higit 150,000 indibdiwal, apektado ng habagat at bagyong Egay — DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakapagtala na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng nasa 154,000 na mga indibidwal na naapektuhan ng habagat at bagyong Egay.

Ayon sa DSWD, katumbas ito ng 38,991 na pamilya mula sa Regions I, II, III, CALABARZON MIMAROPA, VI, VIl, at XII.

Batay pa sa ulat ng Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, aabot na rin sa 921 na pamilya o 3,211 na indibidwal ang nananatili sa evacuation centers.

Habang mayroon ding higit 400 pamilya ang nakikitira sa kanilang kaanak.

Mayroon na ring isang bahay ang nasira habang pitong bahay ang bahagyang napinsala.

Dagdag pa ng DSWD, nasa higit isang milyon na ang halaga ng Humanitarian Assistance na naipaabot nito at ng mga partner agency sa mga apektado. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us