Higit 50 drones, gagamitin ng pulisya  sa mga aktibidad sa SONA bukas -QCPD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Idedeploy na rin ng Quezon City Police District ang 52 drones sa ikalawang State Of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bukas.

Ayon kay QCPD Director PBGen. Nicolas Torre III, gagamitin ang mga drone para sa aerial surveillance ng iba’t ibang aktibidad sa Commonwealth Avenue.

Sa ngayon, nasa 100% nang handa ang QCPD sa SONA bukas.

Nakalatag na ang lahat ng seguridad sa kahabaan ng Commonwealth Avenue hanggang Batasan Complex.

Sa panig ng QCPD, higit anim na libong pulisya ang kanilang ipapakalat sa iba’t ibang lugar na may aktibidad sa SONA. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us