Nagpatupad na ang pamahalaang lungsod ng Quezon ng preemptive evacuation sa ilang residente dahil sa mga pag-ulang dala ng Habagat at Bagyong Egay
As of 7:54am ay mayroon nang 52 pamilya o katumbas ng 188 na indibidwal ang inilikas sa Brgy. Bagong Silangan.
Nasa 27 pamilya ang kasalukuyang nananatili sa Bagong Silangan Elementary School, 20 pamilya sa Isolation Bldg, tatlong pamilya sa Bagong Silangan High School, habang may dalawang pamilya rin ang nanunuluyan sa Lumang Palengke.
Dahil sa pag-iral ng Bagyong Egay, inaasahan pa rin ang masungit na panahon at posibilidad ng thunderstorms na maaaring magdulot ng pagbaha sa mga flood-prone area sa Quezon City. | ulat ni Merry Ann Bastasa