Higit 5,300 job vacancies, alok sa Mega Job Fair ng Caloocan sa July 7

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling magsasagawa ang Caloocan City local government ng Mega Job Fair para maalok ng mas maraming trabaho sa publiko.

Hinikayat ni Caloocan City Mayor Dale Malapitan ang mga jobseeker na maghanda na ng madaming resume at dumalo sa nalalapit na Mega j
Job Fair sa Biyernes, July 7, sa Caloocan City Sports Complex.

Inorganisa ng Public Employment Service Office (PESO) ang naturang job fair kung saan nasa 53 kumpanya ang mag-aalok ng higit 5,300 job vacancies.

Ayon naman kay Mayor Malapitan, magandang sulitin ng mga aplikante ang naturang Mega Job Fair para sa pagkakataong makahanap ng maayos na hanapbuhay.

“Alam po natin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng maayos at stable na hanapbuhay kaya naman po prayoridad ng pamahalaang lungsod na gumawa ng mga programang maglalapit ng mga oportunidad sa ating mga kababayan. Asahan po ninyo na madadagdagan pa ang ganitong mga klase ng proyekto para sa ikauunlad ng Lungsod ng Caloocan,” ani Mayor Malapitan. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us