Higit kalahating milyong pisong halaga ng shabu, nasabat sa Zamboanga City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasabat ng mga awtoridad ang aabot sa P680,000 halaga ng hinihinalang shabu mula sa isang suspek sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Sangali, lungsod ng Zamboanga kahapon.

Kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 9 ang nahuling suspek bilang si alyas “Uttoh/Nadz”.

Nakumpiska mula sa nasabing suspek ang humigit kumilang sa 100 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P680,000.

Nasa pangangalaga na ng pulisya ang nahuling suspek na haharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, nasamsam din sa magkahiwalay na operasyon ng pulisya at PDEA sa probinsya ng Zamboanga Sibugay kamakailan ang nasa 1,000 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon. | ulat ni Shirly Espino | RP1 Zamboanga

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us