Walang sinusunod na timeline ang pamahalaan pagdating sa hiling ng Estados Unidos na pansamantalang pagkupkop o pagiging transition area ng Pilipinas para sa Afghan nationals.
“Well, we have not given ourselves a deadline. What we are talking about is that we’re trying to see what are the problems, what are the issues arising and so doing we are trying to find ways to remedy those issues that we feel are something that we have to deal with.” — Pangulong Marcos Jr.
Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., nang hingan ng update kaugnay sa hiling na ito ng US.
“What are the problems, what are the issues arising and so doing we are trying to find ways to remedy those issues that we feel are something that we have to deal with.” — Pangulong Marcos.
Ayon sa pangulo, patuloy na pinag-aaralan ng pamahalaan ang usaping ito. At nakikipag-ugnayan pa rin aniya sila sa Estados Unidos para dito.
“We have made some progress, but there’s still some major obstacles to us being able to do it. But we continue to consult with our friends in the US.” — Pangulong Marcos Jr.
Sabi ng Pangulo, kilala ang mga Pilipino sa pagiging ‘hospitable’.
“I would like to manifest the Filipino instinct of hospitability and as you know many times have happened that there have been world situations around the world and may nagkaka-refugee, hindi tinatatanggap, kahit saan tayo tinatanggap natin, hindi tayo kinakalimutan ng mga tinulungan natin. Ganyan talaga ang ugali ng Pinoy.” —Pangulong Marcos Jr.
Gayunpaman, iba aniya ang usaping sa Afghan nationals, dahil mayroon itong halong politika at seguridad ng bansa, kaya’t kailangan munang ma-plantsa ang usaping posibleng kaharapin ng bansa, sakaling pagbigyan ang hiling na ito.
“Ngunit ito ibang usapan to kasi may halong politika may halong security, so medyo mas kumplikado ito so we’ll look at it very very well before making a decision.” —Pangulong Marcos Jr. | ulat ni Racquel Bayan