Tiniyak ni House Committee on Agriculture and Food Chair at Quezon Rep. Mark Enverga na tutulong ang kaniyang komite sa gagawing imbestigasyon ng NBI at DOJ laban sa cartel operation sa bansa.
Kasunod ito ng atas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magsagawa ng pagsisiyasat ang dalawang ahensya laban sa mga hoarder, smuggler at nagmamanipula ng presyo ng agricultural commodities.
Malaki ang pasasalamat ni Enverga na tinukuran ni PBBM ang posisyon ng Kamara na magsagawa ng imbestigasyon sa pag-iral ng kartel matapos ang siyam na marathon hearings patungkol sa biglang taas presyo ng sibuyas.
“We are truly grateful to President Bong Bong Marcos for supporting the position of the House committee on Agriculture and food, with regards to our appeal to the executive department, to conduct a thorough investigation on the highly probable cartel operations on agricultural products that affect both supply and price. The Committee assures PBBM of our support to the DOJ and NBI by providing key information on the cartel operations gathered throughout the hearing.” ani Enverga.
Kasabay nito ay tututukan rin ng komite ang pag-amyenda sa Anti-Agricultural Smuggling Act upang ikonsidera bilang economic sabotage at patawan ng mas mabigat na parusa ang hoarding, proce manipulation at profiteering.
“As also instructed by Speaker Martin Romualdez, the committee will prioritize deliberations on amending the Anti-Agricultural Smuggling Act to include hoarding, price manipulation, and profiteering as economic sabotage.” dagdag ni Enverga. | ulat ni Kathleen Jean Forbes