Nanindigan si House Committee on Metro Manila Development Chair Rolando Valeriano na hindi pu-puwede ang paulit-ulit na water crisis sa Metro Manila kada taon.
Ang pahayag ng mambabatas ay dahil na rin sa kaniyang pagkadismaya sa magkakasunod na anunsyo ng water interruption sa kamaynilaan na tumatagal pa ang hanggang 13 oras.
Aniya, nagsasakripisyo ang mga consumer para lang makabayad sa tubig ngunit wala namang stable na supaly nito.
Nababahala pa si Velariano na lalong lalala ang sitwasyon oras na timindi ang epekto ng El Niño.
“The Philippines is an archipelagic country that is too lucky for being surrounded with large bodies of water. Yet, our news recently are full of announcements of water interruptions, not in several minutes but in extended 13 hours per day. Nakakalumo isipin. Bahagi ng sakripisyo ng kababayan natin ang makabayad ng sapat para sa tubig. Pero bahagi ng pagkahikahos nila ang kawalan ng stable water supply. Lalo na sa maliliit na negosyo na bumabangon pa lang mula sa pandemya.” diin ni Valeriano
Dahil dito iminungkahi ng kongresista na buksan sa iba pang private company ang pagsusuplay ng tubig.
Sa ngayon kasi aniya dalawang water concessionaire lamang ang namamayagpag sa bansa.
“As our government lacks the fund to launch such an extensive operation, our water concession may have to expand by way of having more private players in the water industry. Dalawa lang kasi sila sa ngayon: ang Razon-Ayala’s Manila Water and the Pangilinan’s Maynilad. Binansagang duopoly. Sa iba pang mahihikayat na concessionaires, they, too, can get the supply from our bodies of water for free but they must invest in better water clean-up and distribution technologies.” saad ng Manila solon.
Kung madaragdagan aniya ang water concessionaires ay mas makapaglalatag ng makabago at modernong pamamaraan sa pagsusuplay ng tubig gaya na lamang aniya sa bansang Singapore. | ulat ni Kathleen Jean Forbes