Huling insidente ng harassment ng China sa PCG sa West Philippine Sea, tinuligsa ng US

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinuligsa ng Estados Unidos ang huling insidente ng panghaharas ng China sa barko ng Philippine Coast Guard sa West Philippine Sea.

Sa isang “tweet” nagpahayag ng pagkabahala si United States Ambassador to the Philippines Marykay Carlson sa “unprofessional maneuvers” ng Chinese Coast Guard sa naturang insidente.

Ito’y kasunod ng ginawang pagharang at pagdikit ng mga mas malalaking barko ng China sa dalawang barko ng Philippine Coast Guard na patungo sa Ayungin Shoal noong Hunyo 30.

Sinabi ng Embahador na ang iresponsableng pagkilos ng China sa West Philippine Sea ay banta sa seguridad at legal na karapatan ng kanilang kaalyadong bansa.

Nanawagan naman si Amb. Carlson sa China na tumupad sa international law, partikular ang 2016 Arbitral ruling na kumilala sa karapatan ng Pilipinas sa kanyang Exclusive Economic Zone (EEZ) sa West Philippine Sea sa ilalim ng United Nations Convention on Law of the Seas (UNCLOS). | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us