Ilang lugar sa lungsod ng Valenzuela ang hindi pa madadaanan ng mga light vehicles dahil lubog pa rin sa tubig baha.
Bago mag alas-7:00 kanina, lubog pa hanggang 25 pulgada ang kanto ng Bypass Road. Sa barangay Veinte Reales at sa kanto ng G. Lazaro, Dalandanan na may taas na 35 pulgada ang tubig baha.
Base sa ulat ng Valenzuela City Disaster Risk Reduction and Management Office, may ibang lugar sa lungsod ang lubog pa sa tubig baha pero passable na sa mga sasakyan.
Kabilang dito ang mga sumusunod:
– MH Del Pilar, Arkong Bato
– kanto ng Pasolo Road
– kanto ng Rincon Rd
Passable na rin ang ilang bahagi ng Macarthur highway bagama’t may tubig baha pa sa mga sumusunod na lugar:
– BRT Eatery, Dalandanan
– BDO Dalandanan
– Platinum Fireworks, Dalandanan
– Wilcon Depot,Dalandanan
– Footbridge, Dalandanan
– kanto ng Cuevas, Dalandanan at
– Green Oil sa Malanday
Samantala, humupa na ang tubig baha sa kanto ng Risen Lord, sa Veinte Reales.
Wala na ring namonitor na flooded areas sa Maysan hanggang Bagbaguin sa lungsod. | ulat ni Rey Ferrer