Ika-pitong anibersaryo ng arbitral ruling sa West Philippine Sea, pinahalagahan ng AFP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bukas, Hulyo 12, gugunitain  ang ika-pitong anibersaryo ng pagka-panalo ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration noong 2016, kung saan kinilala ang karapatan ng bansa sa 200-mile Excusive Economic Zone sa West Philippine sea sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Seas (UNCLOS).

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Medel Aguilar, mahalaga ang naturang Arbitration Award dahil ito ang nagbibigay ng “moral high ground” sa bansa sa pag-aangkin ng bahagi ng West Philippine Sea na pinag-aagawan ng ilang bansa.

May bentahe aniya ang Pilipinas sa pag-aangkin ng bahagi ng naturang karagatan, dahil kinikilala ng mga bansang lumagda sa UNCLOS ang karapatan ng Pilipinas.

Kaugnay ng presensya ng mga Chinese vessel sa Iroquois Reef at Sabina Shoal sa West Philippine Sea, sinabi ni Col. Aguilar na mas paiigtingin ng AFP at Philippine Coast Guard ang kanilang pagpapatrolya sa lugar.

Ipauubaya na aniya ng AFP sa Department of Foreign Affairs ang paghahain ng diplomatic protest sa China.

Habang ang National Task Force on the West Philippine Sea aniya ang bahalang mag-desisyon kung ano ang susunod na aksyon sa isyu. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us