Ilan pang LGUs, naghayag ng interes na magpatayo ng murang pabahay sa kanilang lugar -DHSUD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dalawa pang local government units mula sa Mindanao ang humingi ng suporta sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) para sa pagtatayo ng housing projects.

Isang Memorandum of Agreement ang nilagdaan na nina DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar at mga LGUs ng General Santos City at Libungan, North Cotabato bilang hudyat ng pagsisimula ng pagtutulungan sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing Program.

Ayon sa DHSUD, plano ni General Santos City Mayor Lorelie Pacquiao na makapagpatayo ng 1,500 housing units para sa LGU personnel bilang priority beneficiaries.

Sa panig ni Libungan, North Cotabato Mayor Angel Rose Cuan, target naman niyang makapagpatayo ng 1,000 housing units para sa kapos-palad na pamilya.

Kinikilala ng dalawang local chief executive ang partnership bilang isang malaking tulong para mabigyan ng disente at abot-kayang tirahan ang kanilang mga nasasakupan.

Umaasa pa si Secretary Acuzar na marami pang LGUs ang makikiisa sa programang pabahay ng pamahalaan sa mga susunod na araw. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us