Ilang bahagi ng Malabon at Valenzuela, binaha

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dahil sa magdamagang ulan ay baha na naman ang ilang bahagi ng Malabon at Valenzuela.

Sa inilabas na flood updates ng Valenzuela City Command, Control and Communication Center, as of 6am, nakararanas ngayon ng baha ang Macarthur Highway partikular ang Footbridge, Dalandanan (2-3 inches) pati ang Corner T. Santiago, Dalandanan (5-6) inches).

Baha na rin ang bahagi ng Arkong Bato (5-7 inches) at Corner G. Lazaro (10-12 inches).

Gayunman, nananatili pa ring passable sa mga sasakyan ang mga naturang kalsada.

Samantala, sa ulat naman ng Malabon Command Center, mayroon ding naitalang pagbaha sa bahagi ng Panghulo/ Silver Swan (4 inches), Gov. Pascual/ Ma. Clara (6-7 inches), F. Sevilla/Market (8 Inches), Rizal Ave Ext (6-7 inches), C.Arellano/ Ibaba (8 inches), C.Arellano/San agustin 8 inches, M. Sioson Dampalit (8 inches), Don Basilio Road (8 inches).

Nananatili namang normal ang lagay ng trapiko sa mga naturang kalsada. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us