Ilang byahe ng bus sa PITX, kanselado ngayong umaga dulot ng bagyong Egay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakansela ang ilang biyahe ngayong umaga sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) dahil sa sama ng panahon na dulot ng bagyong Egay.

Ayon sa pamunuan ng PITX, kanselado ngayong umaga ang dalawang biyahe ng Ceres Transport at OM Transport na patungong San Jose, Occidental Mindoro.

Samantala, hindi pa tiyak kung matutuloy ang biyahe patungong Virac, Catanduanes, Pamplona, Leyte, at Placer sa Masbate dahil patuloy pang inaalam kung ligtas bang makapaglayag ang mga roro vesslecat upang matiyak ang kaligtasan ng bawat pasahero.

Samantala, nagpaalala naman ang pamunuuan ng PITX sa publiko na makipag-ugnayan sa mga bus companies at sa social media pages ng PITX para sa status ng kanilang mga biyahe. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us