May 59 na klase ng medisina o gamot ang ginawang exempted sa Value Added Tax(TAX) ng Bureau of Internal Revenue.
Sa inilabas na Revenue Memorandum Circular 72-2023, kabilang na sa exempted sa VAT ay ang gamot para sa Cancer, Hypertension, High Cholesterol, Diabetes, Mental Illness, Tuberculosis, at Kidney Disease .
Sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., ang paglibre sa ilang gamot sa VAT ay karagdagan sa listahan ng VAT – Exempt Products sa ilalim ng Republic Act No. 10963 (TRAIN Law) at Republic Act No. 11534 (CREATE Act).
Ayon sa BIR, ang Excellent Taxpayers Service ay isa sa mga haligi ng administrasyon ni Commissioner Lumagui.
Kabilang dito ang paglalabas ng mga circular na magpapagaan sa pananalapi ng buhay ng mga Pilipino.
Layunin niyang gawing ahensya ang BIR na hindi lang goal-oriented, kundi service-oriented. | ulat ni Rey Ferrer