Bago maghatinggabi, pinasimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang reblocking at repairs ng ilang kalsada sa Metro Manila na tatagal hanggang sa Lunes ng umaga, Hulyo 24.
Dahil dito, pinapayuhan ang mga motoristang iwasan ang mga apektadong daan at maghanap muna ng alternatibong ruta simula ngayong umaga.
Sa abiso ng DPWH, kabilang sa sasailalim sa repair ang C-5 Road (NB), P. Antonio hanggang sa harap ng Subaru (Lane 4), Pasig City.
Kasama din ang C-5 Road (SB), hanggang Korean Embassy sa Makati City, C-3 Road eastbound, sa pagitan ng J. Teodoro hanggang Rizal Avenue sa Caloocan City; C-3 Road eastbound, pagitan ng Rizal Avenue at Maria Clara St. sa Caloocan City, EDSA (NB), pagitan ng Gen. Mascardo hanggang Tandang Sora, Caloocan City, Northbound ng Rizal Ave. Exit sa pagitan ng 1st Avenue at 2nd Avenue, Caloocan City.
Gayundin ang Southbound ng Roxas Boulevard EDSA Flyover Bridge Deck, sa Pasay City, EDSA Northbound sa Taft Avenue – MRT Station Outer Lane sa Pasay City; EDSA Southbound, pagkatapos ng Malibay Bridge (Inner Lane), Pasay City at ang Mc Arthur Highway Southbound, Malabon City. | ulat ni Rey Ferrer