Mag-a-ala-1 ngayong hapon, putol na ang suplay ng kuryente sa ilang lugar sa Lalawigan ng Cagayan dahil sa bagyong Egay.
Sa ulat ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), apektado ng bagyo ang Lal-lo-Sta. Ana 69kV Transmission Line
mula kaninang alas-12:43 ng hapon.
Lahat ng customer ng Cagayan Electric Cooperative o CAGELCO II ay nakakaranas na ng kawalan ng suplay ng kuryente sa ngayon.
Kasalukuyan nang nagsasagawa ng inspection at restoration activities sa linya ang linemen ng NGCP. | ulat ni Rey Ferrer