Ilang lugar sa Valenzuela City, lubog pa sa baha

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lubog pa rin sa tubig baha ang ilang lugar sa lungsod ng Valenzuela dahil sa mga pag-ulan.

Kabilang sa nilubog ng baha ang bahagi ng MaCarthur Highway sa Dalandanan mula sa kanto ng Wilcon.

Lubog din ang bahagi ng ByPass Road, Veinte Reales, MH Del Pilar, Arkong Bato, Pasolo Rd. cor. San Simon at G. Lazaro sa Dalandanan.

Sa bahagi ng Maysan hanggang Bagbaguin, walang namonitor na flooded areas.

Ang mga nabanggit na lugar ay passable pa sa lahat ng uri ng sasakyan.

Samantala sa Quezon City, hanggang alas-7:00 kanina ay may baha pa rin hanggang 12 pulgada sa Araneta Ave – Ma Clara, Araneta – Del Monte at Sgt Rivera – A Bonifacio. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us