Sinagot na ng ilang mambabatas ang rice subsidy para sa mga taga-Zambales.
Sa pagtutulungan ng tanggapan ni Zambales 2nd District Representative Doris Maniquiz at Tingog Party-list Representatives Yedda Romualdez at Jude Acidre, ay maaari nang makabili ng 10 kilo ng bigas ang mga residente ng nagkakahalaga lang ng ₱200.
Sa kasalukuyan, nasa ₱450 ang 10 kilo ng bigas.
Umabot na sa 6,454 na pamilya mula San Felipe at 11,486 naman na taga-Palauig ang nakabenepisyo sa rice subsidy program.
Nangako naman si Acidre na magtutuloy-tuloy ang kanilang pagpapaabot ng tulong upang matiyak na magkaka-access ang Zambaleños sa murang bigas. | ulat ni Kathleen Jean Forbes