Isinailalim na ang Lalawigan ng Ilocos Norte sa state of calamity dahil sa pinsalang dulot ng bagyong Egay.
Sa katatapos na ‘special session’ ng Sangguniang Panlalawigan ng Ilocos Norte ay sinabi ni Atty. Franklin Respicio, miyembro ng Sangguniang Panlalawigan na kinakailangang ilagay sa State of Calamity ang buong lalawigan. Ito ay dahil sa pinball sa hanay ng agricultural, fisheries, imprastraktura, mga ari-arian at iba pang tinatayang daan-daang milyong piso.
Sinabi pa ni Atty. Respicio, na napakarami pang mga mamamayan ang nawalan ng tirahan na sinira ng napakalakas na hangin at ulan na dala ng bagyong Egay.
Kasabay ng pagsasailalim ng state of calamity ay humingi rin ang Sangguniang Panlalawigan ng Ilocos Norte ng tulong mula sa national government.
Sa kasalukuyan ay 203 pamilya o 668 na indibidwal ang inilikas sa mga evacuation center, at halos buong Ilocos Norte ay wala pa ring suplay ng kuryente simula pa kagabi at maraming lugar din ang walang signal ng telecommunication. Naasagawa na rin hanggang sa kasalalukuyan ng inspection at pagbibigay ng relief goods si Governor Matthew Marcos Manotoc sa hilagang bahagi ng Ilocos Norte. | ulat ni Ronald Valdriz|RP1 Laoag