Imbak na tubig sa ilang dam sa Luzon, nadagdagan dahil sa mga pag-ulan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bahagyang nadagdagan ang antas ng tubig sa ilang dam sa Luzon dahil sa ilang araw na pag-ulan.

Base sa tala ng PAGASA Hydrometeorology Division kaninang alas-6:00 ng umaga, umangat sa 178.48 meters ang water elevation sa Angat dam mula sa 178.02 meters kahapon ng umaga.

Pero mababa pa rin ito kumpara sa 210 meters na normal high water level ng dam.

Samantala, ang antas ng tubig sa Ipo Dam ay tumaas din sa 100.03 meters mula sa 99.15 meters habang ang sa La Mesa dam naman ay 78.77 meters mula sa 78.51 meters water elevation.

Ilan pang dam na nakitaan ng bahagyang pag-angat ng antas ng tubig ay ang Binga, San Roque,

Pantabangan at Magat dam. Hindi naman nadagdagan ang tubig sa Ambuklao at Caliraya dam.

Sa kabuuan, hindi pa rin sapat ang dalang tubig ng ulan para punan ang kakulangang suplay ng mga dam sa kasalukuyan. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us