Pumalo na sa P832,816,645 ang inisyal na pinsala sa sektor ng agrikultura at pangisdaan dulot ng bagyong Egay at Habagat.
Habang nasa P1.191 bilyon ang pinsala sa imprastraktura sa Region 1 MIMAROPA, Region 5, 6, 11, 12 at Bansamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Sinabi ni Office of Civil Defense Spokesperson Edgar Posadas na may kabuuang 164,430 pamilya o 582,288 indibidwal ang apektado ng bagyo at habagat.
May 9,429 kabahayan sa CAR, Regions 1- 2- 3 CALABARZON, Region 6, 10, 11, 12 at BARMM ang nasira. Aabot sa 376 dito ang totally damage.
Bagama’t nakalabas na ang bagyong Egay, nananatili pa ring nakataas sa red alert status ang OCD, NDRRMC at mga Regional offices nito dahil sa pagpasok ng panibagong bagyo na pinangalanang Falcon. | ulat ni Rey Ferrer