IRR ng Maharlika Investment Fund, sisimulan na — NEDA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinisimulan na ng pamahalaan ang pagbuo sa implementing rules and regulations o IRR ng Maharlika Investment Fund o MIF.

Ito ang pahayag ni National Economic and Development Authority o NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon.

Ayon kay Edillon, bagamat dadaan pa sa masusing pagsusuri ang MIF bago tuluyang lagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., kailangan mabalangkas na ang IRR nito.

Naniniwala ang opisyal na makapag-aambag ang MIF sa investment at pangangailangan sa mga gastusin ng bansa.

Dagdag pa ni Edillon, kinakailangan nang magawa ang MIF ngayong 2023 upang maabot ang target na maging upper middle income na ang Pilipinas sa 2025.

Kaugnay nito sinabi ni Edillon na pangunahin sa bubuhusan ng pondo ng MIF ay ang mga infrastructure flagship projects ng pamahalaan na makapagbibigay ng kita sa bansa gaya ng airport, water supply systems, toll roads, at iba pa. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us