Naaresto na ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang Provincial Target-Listed personality (PTL)na sangkot sa illegal drugs activity.
Base sa ulat, dinakip ang drug personality na si Nomerson Quintan sa Brgy. Calzada, Ligao City, Albay sa bisa ng warrant of arrest.
Isang anti-drug operation ang ikinasa ng pinagsanib na pwersa ng PDEA Albay, PDEA Regional Special Enforcement Team at Ligao City Police Office para siya ay mahuli.
Nakuha din sa kanyang pag-iingat ang 10 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng Php 68,000.
Nakatakda na siyang sampahan ng kaso dahil sa paglabag sa Dangerous Drug Act.| ulat ni Rey Ferrer