Isang senador, naniniwalang malapit nang mapalayas ang mga POGO sa Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Para kay Senate Committee on Ways and Means Chairperson Senador Sherwin Gatchalian malapit nang tuluyang mapa-ban ang mga Philippine offshore gaming operator (POGO) sa bansa.

Ayon kay Gatchalian, mas dumadami ang dahilan para i-ban ang mga POGO dahil sa mga nautuklasang kaso ng human trafficking kamakailan ay may mga Pilipino nang nabibiktima nito.

Ibinahagi rin ng senador, na nakausap na niya mismo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Hunyo tungkol sa isyu ng POGO, at nakita niyang nababahala din ang punong ehekutibo sa mga krimen na dulot ng POGO.

Sinabi rin ng mambabatas, na maliit lang ang mawawala sa ekonomiya ng Pilipinas kapag nawala ang mga POGO.

Kaugnay nito, pinahayag rin ni Gatchalian, na mainam ring maimbestigahan ang mga ulat na kinikikilan ng mga pulis ang mga dayuhang na-rescue nila sa mga nari-raid na POGO hubs. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us