Japan, nagpahayag ng pagkabahala sa patuloy na ginagawa ng China sa West Philippine Sea

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpahayag ng pagkabahala ang bansang Japan sa ikinikilos ng China sa West Philippine Sea kung saan patuloy nitong sinusuway ang 2016 Arbitration ruling na naipanalo ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration.

Ayon sa pahayag na inilabas ni Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa, nakakaapekto ang ginagawa ng China sa kapayapayaan at stability ng rehiyon.

Ito ay matapos harangin ng mga barko ng Chinese Coast Guard ang dalawang barko ng Philippine Coast Guard – ang BRP Malabrigo and BRP Malapascua na patungo sanang Ayungin Shoal upang magbigay ng suplay.

Ayon kay PCG Spokesperson for West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, sinundan, hinaras, at hinarangan ang mga barko ng PCG na may distansyang aabot ng isandaang yarda.

Ayon naman sa Department of Foreign Affairs, aabot na sa 260 na mga diplomatic protest ang naihain na ng Pilipinas mula noong 2016, kung saan 97 sa mga ito ay inihain sa ilalim ng Marcos administration. | ulat ni Gab Humilde Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us