July 25 deadline ng SIM registration, pinal na dapat—Sen. Poe

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi pabor si Senate Committee on Public Services Chairperson Senadora Grace Poe na palaiwigin pa o i-extend ang pagpaparehistro ng mga Subscriber Identity Module (SIM) pagkatapos ng deadline nito sa July 25.

Kinatigan ni Poe ang komento ng ilan na wala nang maniniwala sa sinasabing resulta ng hindi pagpaparehistro ng mga SIM kung patuloy lang itong ieextend.

Matatandaang sa ilalim ng SIM registration act, ang mga hindi maipaparehistrong SIM matapos ang registration deadline ay otomatikong idedeactivate.

Sa usapin naman ng pagtaas ng bilang ng mga cybercrime na naitala matapos ang pagsasabatas ng SIM registration act, sinabi ni Poe na ito marahil ay resilta ng pagkakaroon ng linya para makapagreport ang ating mga kababayan tungkol sa mga krimen o scam gamit ang digital technology

Nagkaroon na rin aniya ng guidelines  ang mga otoridad para sa maayos na monitoring ng mga ganitong krimen.

Gayunpaman, dahil may mga umiiral nang batas ay hinikayat ni Poe ang mga otoridad na manghuli at magpanagot ng mga gumagawa ng ganitong klaseng krimen.

Ito ay para maipakita na gumagana ang batas at hindi na ito tularan pa ng iba. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us