Naitala ang makasaysayang pinakamainit na araw sa buong mundo nitong Lunes, July 3.
Sa kauna-unahang pagkakataon, umabot sa 17 degrees celsius o katumbas ng 62.6 degrees fahrenheit ang average temperature ng mundo nitong Lunes.
Ayon sa National Centers for Environmental Prediction (NCEP), ito na ang bagong naitalang pinakamataas na temperatura simula pa noong August 2016 na umabot sa 16.92 degrees Celsius.
Kombinasyon ng El Niño at ang kasalukuyang emissions ng carbon dioxide ang pinaniniwalaang dahilan ng mainit na panahon.
Patuloy naman ang nararanasang heatwave sa People’s Republic of China kung saan ay aabot sa mahigit 35 degrees Celsius ang temperatura. | ulat ni Mary Rose Rocero