Walang planong magbitiw sa pwesto si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.
Ito ang iginiit ng kalihim sa kanyang muling pagtapak sa kagawaran ng hustisya matapos ang kanyang bypass surgery.
Ayon sa kalihim, ang kanyang panunungkulan sa Department of Justice (DOJ) ay nakadepende sa kagustuhan at tiwala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Pero kung kalusugan aniya ang pagbabasehan ay kinumpirma nito na hindi ito magiging sagabal.
Bagamat kinakailangan niyang mag-ingat at magdahan-dahan sa physical activities ay nananatili aniya ang kanyang commitment sa kanyang trabaho.
Bunsod aniya ng nangyaring operasyon sa kalihim ay malilimitihan ang kanyang pagpunta sa opisina ng DOJ sa mga susunod na linggo.
Subalit patuloy naman ang kanyang pakikipag-usap sa liderato ng DOJ sa pamamagitan ng video conferencing. | ulat ni Lorenz Tanjoco