Dadayo bukas sa lungsod ng Navotas ang”Kadiwa ng Pangulo” (KNP) upang maghatid ng mga murang pagkain at iba pang produkto sa abot-kayang presyo.
Sa abiso ng Navotas LGU, magbubukas ang Kadiwa Ng Pangulo sa Navotas Central Park sa City Hall compound mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.
Maraming pagpipilian ang publiko ng mga de kalidad na produkto tulad ng gulay, prutas at iba pang ligtas na pagkain.
Ang Kadiwa Ng Pangulo ay isang inter-agency collaboration na inisyatiba ng Deparment of Agriculture, Department of Trade and Industry, Department of Social Welfare and Development, Department of Labor and Employment at Department of the Interior and Local Government.
Binibigyan din nito ang mga magsasaka, mangingisda at pati na rin ang mga micro-, small-, and medium enterprises ng walang upahang mga lugar upang ibenta ang kanilang ani at madagdagan ang kita. | ulat ni Rey Ferrer