Kamara, handang-handa na para sa SONA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa panig ng Kamara, ‘All systems go” na para sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, nag-update na sila kay Speaker Martin Romualdez at satisfied naman aniya ang House leader sa kanilang paghahanda.

Pinatitiyak lamang aniya ng House Speaker na mapagbigyan pa rin ang mga pahabol na guest na dadalo sa SONA.

“Ni-report namin yung preparations namin. He is very happy, very satisfied with it. Ang sinabi lang sakin, be prepared for the extra guests, yung mga last minute… We’re prepared to accommodate these last minute, additional guests. As I’ve said, we have opened a big function room for all of them,” ani Velasco.

Sa kasalukuyan higit sa dalawang libong bisita na ang inaasahang sasaksi sa ikalawang SONA ni PBBM sa July 24.

Sinimulan ng Kamara ang 4-day lockdown sa Batasan Pambansa Complex nitong Huwebes, mas mahaba ng isang araw kumpara sa mga nakaraang taon.

Maliban sa SONA, naghahanda rin ang mga kawani ng Kapulungan para sa pagbubukas ng Second Regular Session ng 19th Congress.

“Monday morning, we re-open our doors kasi may session, ‘yong beginning of the Second Session of the 19th Congress. So as early as 5 AM, magbubukas uli tayo for the personnel and essential staff na kailangan doon sa opening ng session,” aniya. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us