Kamara, magbabalik face-to-face session oras na alisin na ang pandemic emergency

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinihintay na lang ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pag-alis ng Office of the President at Department of Health sa public health emergency para tuluyang magbalik face to face sessions.

Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, oras na i-lift na ang emergency status ay magiging mandatory na ang personal na pagdalo sa mga pagdinig sa komite at sesyon.

Katunayan, may ilan na aniyang komite na mas maliit lang ang bilang ng miyembro ang nagsimula na sa face-to-face committee hearings.

“Hopefully when the time comes, when the pandemic is over, officially declared by the Office of the President and the Department of Health agrees with it, then Congress will abide by that. We will lift also the pandemic emergency here, that means face to face will be back, hopefully by the start of August.” paliwanag ng House Sec. Gen

Sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic noong 2020 ay pinahintulutan ng Kamara ang hybrid set-up, kung saan maaaring dumalo ang mga mambabatas via tele o video conferencing sa committee hearings at plenary sessions bilang pagtalima sa health protocols.

Sa ngayon ayon kay Velasco, mananatili ang hybrid set-up, kahit pa sa araw ng pagbubukas ng 2nd regular session at State of the Nation Address sa July 24.| ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us