Karagdagang immigration counter sa NAIA Terminal 3 inaasahang matatapos sa Disyembre

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang mas maayos at mabilis na pagbiyahe ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 pagsapit ng taong 2024.

Ito’y ayon sa MIAA ay dahil sa inaasahan nang matatapos sa Disyembre ngayong taon ang itinatayong “annex” kung saan, aabot sa 6 pang Immigration counter ang madaragdag.

Ayon kay MIAA Officer-In-Charge, Bryan Co, sa ngayon ay may kabuuang 36 na Immigration counter ang nakaposte sa NAIA 3 na madaragdagan pa ng 8 sa susunod na linggo kaya’t aakyat na ito sa kabuuang 44.

Sinabi pa ni Co na sakaling matapos na ang Immigration annex, ito na ang magsisilbing processing area para sa mga Overseas Filipino Worker, Senior Citizen at Persons with Disabilities o PWDs at Diplomats.

Dahil dito, bibilis na ang oras ng pagpoproseso kaya’t makapagbibigay na ito ng mas maraming oras sa mga pasahero upang magsagawa ng pre-boarding shopping o di kaya’y kumain sa mga kalapit na restaurant at food outlet sa NAIA.| ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us