Iloilo City, nais na mapasama ang Dinagyang Festival at Molo Church sa promotional video ng DOT

Nais ng Iloilo City government na mapasama ang Dinagyang Festival at Molo Church sa susunod na promotional video ng Department of Tourism (DOT). Matapos na makansela ang kontrata ng DOT sa advertising agency na DBB Philippines, umaasa si Iloilo City Mayor Jerry Treñas na mapapabilang ang Dinagyang Festival at Molo Church na ipinagmamalaki ng lungsod… Continue reading Iloilo City, nais na mapasama ang Dinagyang Festival at Molo Church sa promotional video ng DOT

Pagbabawal ng mga POGO sa Pilipinas, muling iginiit ni Senador Bong Go

Sinabi ng senador na hindi sasapat ang kakarampot na kita ng gobyerno sa POGO industry kung naglipana naman ang kriminalidad na dulot nito.

CLiMA, ilulunsad ng Lokal na Pamahalaan ng Pasig

Nakatakdang ilunsad ng Lokal na Pamahalaan ng Pasig ang City-Wide Land Information Management and Automation (CLiMA) bukas. Layon ng proyekto na mapabilis ang mga proseso sa lokal na pamahalaan, partikular na mga regulatory office nito sa pamamagitan ng pagbibigay nang maayos na frontline service. Inaasahan na sa tulong ng CLiMA mas mapapabilis nito ang pagproseso… Continue reading CLiMA, ilulunsad ng Lokal na Pamahalaan ng Pasig

Malalimang imbestigasyon sa diumanoy Rape Incident sa UP Diliman Campus,ipinag-utos ng QCPD Chief

📸UP Diliman

Nasa 8,000 pulis at sundalo, ipakakalat para sa ikalawang SONA ni Pangulong Marcos Jr.

Tinatayang nasa 7,000 hanggang 8,000 pulis at iba pang pwersa ng pamahalaan ang magtutulong-tulong sa pagtitiyak ng seguridad para sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni Police Brigadier General Nicolas Torre III, na makakatuwang ng Philippine National Police (PNP) sa hakbang… Continue reading Nasa 8,000 pulis at sundalo, ipakakalat para sa ikalawang SONA ni Pangulong Marcos Jr.

Muntinlupa LGU, nagpatupad ng reporma sa pamamahala ng OsMun

Hiniling ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon ang suporta ng kanilang mga mamamayan para sa repormang kanilang ginagawa sa Ospital ng Muntinlupa (OsMun). Ito ang inihayag ni Mayor Biazon makaraang lagdaan nito ang City Ordinance 2023-083 na naglalatag ng reporma para sa management ng OsMun. Paliwanag ni Mayor Biazon, kailangang mai-streamline ang management ng OsMun… Continue reading Muntinlupa LGU, nagpatupad ng reporma sa pamamahala ng OsMun

Las Piñas City LGU, naglunsad ng Healthy Food Fair kasabay ng buwan ng Nutrisyon

Inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas ang isang Healthy Food Fair kasabay ng obserbasyon ng National Nutrition Month ngayong Hulyo. Layunin nitong itaguyod ang tamang nutrisyon sa mga Las Piñero, upang mailayo sila sa iba’t ibang karamdaman dulot ng hindi tamang pagkain. Pinangunahan ni Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar at ng Sangguniang Lungsod… Continue reading Las Piñas City LGU, naglunsad ng Healthy Food Fair kasabay ng buwan ng Nutrisyon

FDA, makikipagtulungan na sa NBI vs. drug manufacturers na iligal na gumagamit ng larawan ng mga doktor sa bansa

Makikipag-ugnayan na ang Food and Drug Administration (FDA) sa National Bureau of Investigation (NBI) laban sa mga nasa likod ng health products o mga gamot na gumagamit ng litrato ng mga sikat na doktor at artista. Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa na marami sa kaniyang mga kaibigang doktor ang… Continue reading FDA, makikipagtulungan na sa NBI vs. drug manufacturers na iligal na gumagamit ng larawan ng mga doktor sa bansa

DMW, tiniyak kay Sen. Tulfo na mas lalo nilang pagiigtingin ang pagseserbisyo ng OFW Hospital

Tiniyak ni Department of Migrant Workers Usec. Hans Leo Cacdac na “work in progress” pa lamang ang estado ng OFW hospital sa lalawigan ng Pampanga. Ginawa si Usec. Cacdac ang pahayag kasunod ng sinabi ni Senator Raffy Tulfo na mistulang parang “ghost town” ang nasabing ospital ng mga OFWs. Sa ekslusibong panayam pinaliwanag ng opisyal, May… Continue reading DMW, tiniyak kay Sen. Tulfo na mas lalo nilang pagiigtingin ang pagseserbisyo ng OFW Hospital

BFP, mamamahagi pa ng bagong fire trucks sa iba’t ibang lugar sa bansa

May 53 fire trucks ang ipagkakaloob ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa iba’t ibang lalawigan sa bansa simula bukas. Ayon kay BFP Directorate for Administration Chief Jesus Fernandez, pawang mga bago ang mga fire truck na may kapasidad na 1,000 gallons. Bawat fire truck na kumpleto sa fire figthing accessories ay nagkakahalaga ng P14… Continue reading BFP, mamamahagi pa ng bagong fire trucks sa iba’t ibang lugar sa bansa