DMW, hinimok ang mga undocumented OFW sa Kuwait na mag-avail ng Amnesty Program

Hinimok ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga undocumented overseas Filipino worker (OFW) sa Kuwait na samantalahin ang Amnesty Program na ibinibigay ng pamahalaan ng nasabing bansa. Kasunod ito ng anunsyo ng gobyerno ng Kuwait na magbibigay ito ng tatlong buwang amnesty period simula March 17 hanggang June 17 para sa mga migranteng manggagawa… Continue reading DMW, hinimok ang mga undocumented OFW sa Kuwait na mag-avail ng Amnesty Program

Pagpapauwi sa 63 mga Pilipino mula sa Haiti dahil sa patuloy na gulo roon, isinasaayos pa, ayon sa DMW

Kasalukuyang isinasaayos pa ng Department of Migrant Workers (DMW) ang repatriation sa 63 mga Pilipino sa Haiti nais na umuwi sa Pilipinas. Ito ay dahil sa nagpapatuloy na kaguluhan doon ng iba’t ibang grupo. Ayon kay Migrant Workers officer-in-charge Hans Leo Cacdac, isinasaayos pa ang charter flights para sa nasabing mga Pilipino. Kabilang aniya sa… Continue reading Pagpapauwi sa 63 mga Pilipino mula sa Haiti dahil sa patuloy na gulo roon, isinasaayos pa, ayon sa DMW

DMW at PLDT, magtutulungan upang mapalakas ang kakayahan ng mga OFW sa information and technology

Patuloy na pinaiigting ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pakikipagtulungan sa publiko at pribadong sektor para mapabuti ang mga serbisyo sa mga overseas Filipino worker. Nilagdaan nina DMW officer-in-charge Hans Leo Cacdac at PLDT Global Inc. President at CEO Albert Villareal ang Memorandum of Agreement kahapon sa Lungsod ng Makati kasama ang ibang opisyal… Continue reading DMW at PLDT, magtutulungan upang mapalakas ang kakayahan ng mga OFW sa information and technology

DMW, inaaksyunan na ang student visa to Canada modus

Tiniyak ni Department of Migrant Workers (DMW) Undersecretary Bernard Olalia na inaaksyunan na ng ahensya ang sumbong tungkol sa modus na pag-aalok ng student visa patungong Canada nang may pagkakataon para sa makapagtrabaho sa naturang bansa. Base sa mga sumbong ng mga OFW sa Hong Kong, inaalok sila ng isang Niña Mabatid na mag-apply ng… Continue reading DMW, inaaksyunan na ang student visa to Canada modus

DMW, tiniyak na tutulungan ang mga OFW na may unpaid claims sa Saudi employers na hindi pa nakatatanggap ng kanilang benepisyo

Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) na tutulungang makuha ng mga overseas Filipino worker ang kanilang hindi nabayarang sahod at benepisyo sa kanilang Saudi employers. Sa isang pulong balitaan, inihayag ni DMW officer-in-charge Hans Leo Cacdac na nakikipag-ugnayan na sila sa gobyerno ng Saudi para sa mga hindi pa nakatatanggap ng tseke. Dagdag pa… Continue reading DMW, tiniyak na tutulungan ang mga OFW na may unpaid claims sa Saudi employers na hindi pa nakatatanggap ng kanilang benepisyo

Mga OFW na may unpaid claims sa Saudi employers, nagsimula nang mabayaran, ayon sa DMW

Inihayag ng Department of Migrant Workers (DMW) na nagsimula nang mabayaran ang mga overseas Filipino worker na mayroong unpaid claims sa kanilang mga employer sa Saudi. Ito ay matapos na mabangkarote ang mga malalaking construction company sa Saudi noong 2010, 2015, at 2016 dahilan para mawalan ng trabaho ang nasa 10,000 OFWs. Ayon kay DMW… Continue reading Mga OFW na may unpaid claims sa Saudi employers, nagsimula nang mabayaran, ayon sa DMW

DMW at CICC, lumagda ng MOA para sa cybersafety ng OFWs

Magkatuwang ang Department of Migrant Workers (DMW) at Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) upang pagsamahin ang kanilang mga pagsisikap para sa cybersafety ng mga overseas filipino worker (OFW). Ang joint signing ay dinaluhan ni Migrant Workers (DMW) OIC Hans Leo Cacdac at Undersecretary Alexander Ramos, Executive… Continue reading DMW at CICC, lumagda ng MOA para sa cybersafety ng OFWs

DOLE, ipinangako ang maaayos na kapakanan ng mga Pinoy caregiver

Ipinahayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang kanilang buong suporta para sa Caregiver’s Welfare Act na nagbibigay proteksyon para sa mga Filipino caregiver. Sa inilabas na pahayag ng DOLE, sinabi nito na ang pagpasa ng Republic Act No. 11965 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay tugma sa Philippine Development Plan… Continue reading DOLE, ipinangako ang maaayos na kapakanan ng mga Pinoy caregiver

18 Pilipinong naipit sa gulo sa Lebanon, nakauwi na sa bansa ngayong araw

Nakabalik na sa Pilipinas ngayong araw ang nasa 18 Pilipino na naipit sa gulo sa pagitan ng Israeli Forces at ng Lebanese Militant Group na Hezbollah. Sakay ang mga naturang Pilipino ng Qatar Airways flight QR932 mula sa Doha na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 kaninang alas-4:11 ng hapon. Sinalubong sila… Continue reading 18 Pilipinong naipit sa gulo sa Lebanon, nakauwi na sa bansa ngayong araw

Mga OFW na naipit sa gulo sa Israel na nakauwi sa Pilipinas, masayang makakapiling ang kanilang pamilya ngayong Pasko

Masaya ang mga overseas Filipino worker (OFW) mula sa Israel na nakauwi sila sa Pilipinas at makakapilipiling ang kanilang pamilya ngayong Pasko. Kabilang dito si Ronnie Compay Basco, isang caregiver, sa 27 na mga OFW na dumating sa Pilipinas mula sa Israel ngayong araw. Ayon kay Basco, huli siyang nakauwi sa bansa noong 2008 kaya… Continue reading Mga OFW na naipit sa gulo sa Israel na nakauwi sa Pilipinas, masayang makakapiling ang kanilang pamilya ngayong Pasko