DMW, nagbukas ng Helpline para sa mga OFW na may hindi nabayarang sahod ng kanilang Saudi employers

Pinoproseso na ng pamahalaan ng Saudi ang mga hindi nabayarang sahod ng nasa 10,000 overseas Filipino workers na nawalan ng trabaho noong 2015 at 2016. Ito ay matapos na magdeklara ng bankruptcy sa nasabing taon ang Riyadh-based construction firms na kanilang pinapasukan. Kaugnay nito ay nagbukas naman ng Helpline ang Department of Migrant Workers (DMW)… Continue reading DMW, nagbukas ng Helpline para sa mga OFW na may hindi nabayarang sahod ng kanilang Saudi employers

OFW na si Gelienor “Jimmy” Pacheco na pinalaya ng Hamas, nakalabas na ng ospital

Nakalabas ng ng ospital ang overseas Filipino worker na si Gelienor “Jimmy” Pacheco na pinalaya ng Hamas. Ayon kay Philippine Ambassador to Israel Pedro Laylo, Jr., na-discharge na sa ospital si Pacheco at kasalukuyang nagpapahinga at nagpapalakas. Humingi rin ng panalangin si Laylo para kay Pacheco para sa agaran nitong paggaling at pagrekober sa kaniyang… Continue reading OFW na si Gelienor “Jimmy” Pacheco na pinalaya ng Hamas, nakalabas na ng ospital

Dalawang Pinoy Seaman na nasugatan sa missile attack sa Ukraine, nakauwi na sa bansa

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na nakauwi na ng bansa ang dalawang pinoy seafarers na nasugatan sa missile attack sa Ukraine. Ayon kay DMW Officer In-Charge Hans Cacdac, dumating kagabi sa Clark International Airport sa Pampanga ang dalawang OFW sakay ng Qatar Airways flight QR930. Isa sa mga nakauwing seafarer ay nabalian ng… Continue reading Dalawang Pinoy Seaman na nasugatan sa missile attack sa Ukraine, nakauwi na sa bansa

8 OFWs mula sa Lebanon, nakauwi na sa bansa

Nakalapag na sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang Qatar Airways flight QR928 sakay ang may 8 Overseas Filipino Worker (OFW) buhat sa Doha. Ito ang kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW). Batay naman sa impormasyon mula sa Manila International Airport Authority (MIAA), alas-10:01 ngayong gabi nang lumapag ang naturang eroplano. Sinalubong… Continue reading 8 OFWs mula sa Lebanon, nakauwi na sa bansa

Sen. Gatchalian, nananawagan sa pamahalaan na tiyaking ligtas na makakauwi ang mga pinoy seafarer sa Yemen

Nababahala si Senador Sherwin Gatchalian sa napaulat na hostage taking sa labing pitong mga Pinoy seafarer sa Yemen. Ayon kay Gatchalian, nakakaalarma ang sitwasyon kaya dapat nang kumilos agad ang pamahalaan para matiyak ang kaligtasan ng mga kababayan nating seaman. Nanawagan rin ang senador sa Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Migrant Workers (DMW),… Continue reading Sen. Gatchalian, nananawagan sa pamahalaan na tiyaking ligtas na makakauwi ang mga pinoy seafarer sa Yemen

8 Pinoy na nagpanggap na turista, naharang ng BI

Napigil ng mga kawani ng Bureau of Immigration (BI) ang iligal na pag-alis ng walong indibidwal papuntang Malaysia sa Zamboanga International Seaport makaraang magpanggap ang mga ito bilang mga turista. Sa ulat, nagtangkang sumakay ang mga pasahero sa MV Antonia patungo sa Sandakan, Sabah. Dito magkakaibang dahilan ang sinabi ng mga ito sa kanilang pagbiyahe… Continue reading 8 Pinoy na nagpanggap na turista, naharang ng BI

House panel chair, kinilala ang kolektibong hakbang ng pamahalaan para sa ligtas na pag-uwi ng mga Pilipino mula Gaza

Kinilala at pinasalamatan ni House Committee on Overseas Workers Affairs Chair at KABAYAN party-list Rep. Ron Salo ang pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan para ligtas na mapauwi ang mga Pilipino mula Gaza. “I commend the swift and coordinated efforts of our government agencies in ensuring the safe return of our fellow Filipinos from Gaza… Continue reading House panel chair, kinilala ang kolektibong hakbang ng pamahalaan para sa ligtas na pag-uwi ng mga Pilipino mula Gaza

Ika-anim na batch ng OFW na umuwi sa Pilipinas mula sa Israel, natanggap na ang tulong mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan

Natanggap na ika-anim na batch ng mga overseas Filipino worker (OFWs) na umuwi sa Pilipinas mula Israel ang tulong mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan. Nasa 42 na mga OFW at isang batang babae ang kabilang sa umuwi sa bansa na naipit sa gulo sa Israel ngayong araw. Kabilang sa mga natanggap ng OFW… Continue reading Ika-anim na batch ng OFW na umuwi sa Pilipinas mula sa Israel, natanggap na ang tulong mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan

DMW, nagbabala sa publiko kaugnay sa mga nagpapanggap na kawani ng ahensya para mag-recruit ng trabaho sa abroad

Nagbabala ang Department of Migrant Workers (DMW) sa publiko sa pakikipagtransaksyon sa mga indibidwal na nagpapakilala na kawani ng ahensya upang makapanloko at mag-recruit para sa trabaho abroad. Ayon sa DMW, peke at hindi empleyado ng ahensya ang mga ito. Dagdag pa ng DMW na isa itong uri ng scam kaya pinag-iingat ang publiko na… Continue reading DMW, nagbabala sa publiko kaugnay sa mga nagpapanggap na kawani ng ahensya para mag-recruit ng trabaho sa abroad

Nasa 120 OFWs sa Israel, nagpahayag ng kagustuhan na mapauwi sa Pilipinas – DMW

Inihayag ng Department of Migrant Workers (DMW) na magkakaroon pa ng panibagong mga batch ng mga overseas Filipino worker (OFW) na mapauuwi sa Pilipinas mula sa Israel. Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na nasa 120 pa ang nagpalista na nais na ma-repatriate sa bansa. Ito ay dahil sa… Continue reading Nasa 120 OFWs sa Israel, nagpahayag ng kagustuhan na mapauwi sa Pilipinas – DMW