NGO, nagbibigay tulong sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa Israel

Patuloy ang pag-abot ng suporta at tulong ng isang non-government organization (NGO) sa mga Pilipino expatriates sa Southern Israel sa kabila ng gulo na nararanasan doon. Sa isang courtesy call kay Philippine Ambassador to Israel Pedro “Junie” Laylo Jr., ibinahagi nito ang pagbibigay tulong ng non-government organization na Operation Blessing sa pakikipagtulungan sa National Alliance… Continue reading NGO, nagbibigay tulong sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa Israel

House panel chair, kinilala ang kolektibong hakbang ng pamahalaan para sa ligtas na pag-uwi ng mga Pilipino mula Gaza

Kinilala at pinasalamatan ni House Committee on Overseas Workers Affairs Chair at KABAYAN party-list Rep. Ron Salo ang pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan para ligtas na mapauwi ang mga Pilipino mula Gaza. “I commend the swift and coordinated efforts of our government agencies in ensuring the safe return of our fellow Filipinos from Gaza… Continue reading House panel chair, kinilala ang kolektibong hakbang ng pamahalaan para sa ligtas na pag-uwi ng mga Pilipino mula Gaza

hindi lahat ng mga OFW sa Israel ay nais umuwi sa Pilipinas – OWWA

Inihayag ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Ariel Ignacio na hindi lahat ng mga overseas Filipino worker sa Israel ay gustong umuwi sa Pilipinas. Ginawa ng opisyal ang pahayag kasunod ng pagkakasawi ng ilang OFW matapos na sumiklab ang kaguluhan sa naturang bansa noong nakaraang buwan. Ayon kay Ignacio, ang gulo sa pagitan ng… Continue reading hindi lahat ng mga OFW sa Israel ay nais umuwi sa Pilipinas – OWWA

“Ang pamahalaan na ang lumalapit; Nakikita ngayon ang pagkakaisa” – OWWA Administrator Ignacio

Sinabi ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Arnaldo Ignacio na mayroong mga problemang kinakaharap ang bansa gaya ng kaguluhan sa Israel na sanhi ng pagkamatay ng ilang mga OFWs, nakikita ng mga Pilipino ang pagkakaisa ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan. Sa kanyang pangunguna sa ginawang Hero’s Welcome para kay Angeline P. Aguirre, ang… Continue reading “Ang pamahalaan na ang lumalapit; Nakikita ngayon ang pagkakaisa” – OWWA Administrator Ignacio

Repatriation at reintegration program efforts para sa OFWs na uuwi mula sa Israel at Lebanon, pinatitiyak ni Sen. Bong Go

Nanawagan si Senador Christopher ‘Bong’ Go sa pamahalaan na iprayoridad ang reintegration program para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na uuwi ng Pilipinas mula sa tensyon sa Israel at Lebanon. Binigyang diin ni Go na kailangang makapaglatag ng komprehensibong repatriation at reintegration program na tutugon sa iba’t ibang pangangailangan ng mga babalik na OFW.… Continue reading Repatriation at reintegration program efforts para sa OFWs na uuwi mula sa Israel at Lebanon, pinatitiyak ni Sen. Bong Go

Ilang OFWs sa Lebanon, nais na rin makauwi sa Pilipinas dahil sa tumitinding tensyon sa pagitan ng Israel at grupong Hezbollah – DMW

Nakikipag-ugnayan na ang Department of Migrant Workers (DMW) sa Embahada ng Pilipinas sa Beirut kaugnay sa pagpapauwi ng mga overseas Filipino worker (OFW) doon. Sa isang pulong balitaan, kinumpirma ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na may mga Pilipino na ang nagpalista para sa repatriation program ng pamahalaan. Ito ay dahil sa gulo sa… Continue reading Ilang OFWs sa Lebanon, nais na rin makauwi sa Pilipinas dahil sa tumitinding tensyon sa pagitan ng Israel at grupong Hezbollah – DMW

Nasa 120 OFWs sa Israel, nagpahayag ng kagustuhan na mapauwi sa Pilipinas – DMW

Inihayag ng Department of Migrant Workers (DMW) na magkakaroon pa ng panibagong mga batch ng mga overseas Filipino worker (OFW) na mapauuwi sa Pilipinas mula sa Israel. Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na nasa 120 pa ang nagpalista na nais na ma-repatriate sa bansa. Ito ay dahil sa… Continue reading Nasa 120 OFWs sa Israel, nagpahayag ng kagustuhan na mapauwi sa Pilipinas – DMW

Bangkay ng nasawing Negrense OFW sa sorpresang pag-atake ng Hamas group sa Israel, dumating na sa Negros Occidental

Dumating na sa Negros Occidental ang bangkay ng ikatlong overseas Filipino worker (OFW) na namatay sa sorpresang pag-atake ng Hamas group sa Israel. Sa panayam ng Radyo Pilipinas kay Marie June Castro, Executive Assistant ni Negros Occidental Governor Eugenio Jose Lacson, sinabi nito na dumating sa lalawigan ang bangkay ng nasawing caregiver na si Loreta… Continue reading Bangkay ng nasawing Negrense OFW sa sorpresang pag-atake ng Hamas group sa Israel, dumating na sa Negros Occidental

Philippine Ambassador to Israel Pedro Laylo, Jr., binisita ang Pinoy caregiver na nasugatan sa kaguluhan sa Israel

Binisita ni Philippine Ambassador to Israel Pedro Laylo Jr. ang isang Pilipino na nasugatan sa kaguluhan sa Israel. Kinilala ang OFW na si Joey Pagsolingan na nagtamo ng sugat sa kaniyang kaliwang braso at kinailangan sumailalim sa surgery matapos mabaril sa nangyaring pag-atake ng militanteng grupong Hamas. Si Pagsolingan ay nailigtas ng Israeli Defense Forces… Continue reading Philippine Ambassador to Israel Pedro Laylo, Jr., binisita ang Pinoy caregiver na nasugatan sa kaguluhan sa Israel

Pinakahuling sitwasyon sa Israel, inilatag ng Israeli Ambassador kay Pangulong Marcos.

Nagkausap sa Malacañan ngayong araw (October 11) sina Pangulong Ferdinand F. Marcos Jr. at Israel Ambassador to the Philippines Ilan Fluss, kung saan binigyan ng ambahador ng update ang pangulo kaugnay sa sitwasyon sa Israel. Sa pagu-usap ng dalawang opisyal, naghayag ng paga-alala ang pangulo sa kalagayan ng tatlo pang Pilipino na hanggang sa kasalukuyan, hindi… Continue reading Pinakahuling sitwasyon sa Israel, inilatag ng Israeli Ambassador kay Pangulong Marcos.