hindi lahat ng mga OFW sa Israel ay nais umuwi sa Pilipinas – OWWA

Inihayag ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Ariel Ignacio na hindi lahat ng mga overseas Filipino worker sa Israel ay gustong umuwi sa Pilipinas. Ginawa ng opisyal ang pahayag kasunod ng pagkakasawi ng ilang OFW matapos na sumiklab ang kaguluhan sa naturang bansa noong nakaraang buwan. Ayon kay Ignacio, ang gulo sa pagitan ng… Continue reading hindi lahat ng mga OFW sa Israel ay nais umuwi sa Pilipinas – OWWA

Ika-anim na batch ng OFW na umuwi sa Pilipinas mula sa Israel, natanggap na ang tulong mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan

Natanggap na ika-anim na batch ng mga overseas Filipino worker (OFWs) na umuwi sa Pilipinas mula Israel ang tulong mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan. Nasa 42 na mga OFW at isang batang babae ang kabilang sa umuwi sa bansa na naipit sa gulo sa Israel ngayong araw. Kabilang sa mga natanggap ng OFW… Continue reading Ika-anim na batch ng OFW na umuwi sa Pilipinas mula sa Israel, natanggap na ang tulong mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan

Repatriation at reintegration program efforts para sa OFWs na uuwi mula sa Israel at Lebanon, pinatitiyak ni Sen. Bong Go

Nanawagan si Senador Christopher ‘Bong’ Go sa pamahalaan na iprayoridad ang reintegration program para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na uuwi ng Pilipinas mula sa tensyon sa Israel at Lebanon. Binigyang diin ni Go na kailangang makapaglatag ng komprehensibong repatriation at reintegration program na tutugon sa iba’t ibang pangangailangan ng mga babalik na OFW.… Continue reading Repatriation at reintegration program efforts para sa OFWs na uuwi mula sa Israel at Lebanon, pinatitiyak ni Sen. Bong Go

Nasa 120 OFWs sa Israel, nagpahayag ng kagustuhan na mapauwi sa Pilipinas – DMW

Inihayag ng Department of Migrant Workers (DMW) na magkakaroon pa ng panibagong mga batch ng mga overseas Filipino worker (OFW) na mapauuwi sa Pilipinas mula sa Israel. Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na nasa 120 pa ang nagpalista na nais na ma-repatriate sa bansa. Ito ay dahil sa… Continue reading Nasa 120 OFWs sa Israel, nagpahayag ng kagustuhan na mapauwi sa Pilipinas – DMW

Halos 4K OFWs, ilang ulit gumamit ng emergency repatriation noong pandemya – COA

Halos 4,000 overseas Filipino workers ang gumamit ng libreng flight pauwi hindi lang isang beses kundi hanggang limang beses sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic. Ito’y ayon sa audit report ng Commission on Audit (COA). Dahil dito, pinagpapaliwanag ng COA ang Overseas Workers Welfare Administration kung paano nagamit ng 3,707 OFW ang emergency repatriation program nang… Continue reading Halos 4K OFWs, ilang ulit gumamit ng emergency repatriation noong pandemya – COA

Pang-aabuso sa mga mangingisdang Pinoy sa Namibia, pinaiimbestigahan ng party-list solon

Pinakikilos ni OFW party-list Rep. Marissa ‘Del Mar’ Magsino ang pamahalaan na imbestigahan ang napaulat na pang-aabuso sa ilang Pilipinong nagtra-trabaho bilang mangingisda sa Namibia. Kasunod ito ng repatriation ng nasa anim na overseas Filipino worker (OFW) na nagtatrabaho bilang fisherfolk sa naturang bansa katuwang ang Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Migrant Workers (DMW) at… Continue reading Pang-aabuso sa mga mangingisdang Pinoy sa Namibia, pinaiimbestigahan ng party-list solon