DFA, nilinaw ang kumakalat sa umano’y pagkasangkot ng dalawang Pinoy sa pagkamatay ng mag-asawang Japanese National sa Japan

Nilinaw ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang nangyaring pag-amin sa krimen ang dalawang Pilipino na inaresto kaugnay sa pagkamatay ng mag-asawang Hapon sa Tokyo, Japan kamakailan. Ito’y matapos kumalat ang ulat sa social media ang umano’y pag-amin ng dalawang Pinoy na suspect dahil nahuli-cam ang mga itong bumibili ng mga patalim o kutsilyo.… Continue reading DFA, nilinaw ang kumakalat sa umano’y pagkasangkot ng dalawang Pinoy sa pagkamatay ng mag-asawang Japanese National sa Japan

Party-list solon, pinuri ang pagiging unang bansa sa Asya ng Pilipinas na magratipika sa ILO C190

Kinilala ni OFW party-list Rep. Marissa Magsino ang makasaysayang pag-ratipika ng Pilipinas sa ILO Convention 190. Sa pagsumite ng instrument of ratification noong Pebrero a-20, ang Pilipinas ang ika-38 bansa na nagratipika sa naturang kasunduan laban sa karahasan at harassment sa lugar ng trabaho, at kauna-unahang bansa sa Asya. Ani Magsino, isa itong malaking tulong… Continue reading Party-list solon, pinuri ang pagiging unang bansa sa Asya ng Pilipinas na magratipika sa ILO C190

Mga OFW na may unpaid claims sa Saudi employers, nagsimula nang mabayaran, ayon sa DMW

Inihayag ng Department of Migrant Workers (DMW) na nagsimula nang mabayaran ang mga overseas Filipino worker na mayroong unpaid claims sa kanilang mga employer sa Saudi. Ito ay matapos na mabangkarote ang mga malalaking construction company sa Saudi noong 2010, 2015, at 2016 dahilan para mawalan ng trabaho ang nasa 10,000 OFWs. Ayon kay DMW… Continue reading Mga OFW na may unpaid claims sa Saudi employers, nagsimula nang mabayaran, ayon sa DMW

DMW, nagbukas ng Helpline para sa mga OFW na may hindi nabayarang sahod ng kanilang Saudi employers

Pinoproseso na ng pamahalaan ng Saudi ang mga hindi nabayarang sahod ng nasa 10,000 overseas Filipino workers na nawalan ng trabaho noong 2015 at 2016. Ito ay matapos na magdeklara ng bankruptcy sa nasabing taon ang Riyadh-based construction firms na kanilang pinapasukan. Kaugnay nito ay nagbukas naman ng Helpline ang Department of Migrant Workers (DMW)… Continue reading DMW, nagbukas ng Helpline para sa mga OFW na may hindi nabayarang sahod ng kanilang Saudi employers

Party-list solon, ikinalugod ang pahayag ng COMELEC chair na ikakasa ang internet voting sa midterm elections para sa mga OFW

Welcome para kay OFW party-list Rep. Marissa “Del Mar” Magsino ang anunsyo ng COMELEC na ituloy ang internet voting para sa mg OFW sa 2025 elections. Kamakailan nang ihayag ni COMELEC Chair George Garcia na magiging alternatibong pamamaraan ng pagboto para sa migrant workers sa midterm elections ang internet voting. Salig aniya ito sa Section… Continue reading Party-list solon, ikinalugod ang pahayag ng COMELEC chair na ikakasa ang internet voting sa midterm elections para sa mga OFW

Repatriation at reintegration program efforts para sa OFWs na uuwi mula sa Israel at Lebanon, pinatitiyak ni Sen. Bong Go

Nanawagan si Senador Christopher ‘Bong’ Go sa pamahalaan na iprayoridad ang reintegration program para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na uuwi ng Pilipinas mula sa tensyon sa Israel at Lebanon. Binigyang diin ni Go na kailangang makapaglatag ng komprehensibong repatriation at reintegration program na tutugon sa iba’t ibang pangangailangan ng mga babalik na OFW.… Continue reading Repatriation at reintegration program efforts para sa OFWs na uuwi mula sa Israel at Lebanon, pinatitiyak ni Sen. Bong Go

Ilang OFWs sa Lebanon, nais na rin makauwi sa Pilipinas dahil sa tumitinding tensyon sa pagitan ng Israel at grupong Hezbollah – DMW

Nakikipag-ugnayan na ang Department of Migrant Workers (DMW) sa Embahada ng Pilipinas sa Beirut kaugnay sa pagpapauwi ng mga overseas Filipino worker (OFW) doon. Sa isang pulong balitaan, kinumpirma ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na may mga Pilipino na ang nagpalista para sa repatriation program ng pamahalaan. Ito ay dahil sa gulo sa… Continue reading Ilang OFWs sa Lebanon, nais na rin makauwi sa Pilipinas dahil sa tumitinding tensyon sa pagitan ng Israel at grupong Hezbollah – DMW

High Level Emergency Team, pinabubuo ng isang mambabatas para sa pagpapalikas ng mga Pilipino sa Gaza

Muling hiniling ni Batangas Rep. Gerville Luistro sa pamahalaan na magpatupad na ng forced repatriation sa mg Pilipino sa Gaza. Aniya, sa kasalukuyan ay boluntaryo lamang ang pagpapauwi sa mga Pilipino na nakatira sa apektadong lugar ng gulo sa pagitan ng Israel at grupong Hamas. Ngunit dahil sa kritikal na sitwasyon ay mas mainam aniya… Continue reading High Level Emergency Team, pinabubuo ng isang mambabatas para sa pagpapalikas ng mga Pilipino sa Gaza

Senate inquiry tungkol sa pamamaslang sa isang Pinay OFW sa Saudi Arabia, itinutulak ni Sen. Hontiveros

Isinusulong ni Senadora Risa Hontiveros na magkaroon ng Senate inquiry tungkol sa pagkamatay ng isa na namang Pilipinang domestic helper sa Saudi Arabia. Inihain ni Hontiveros ang Senate Resolution 817 para masiyasat sa Senado ang pamamaslang sa 32 anyos na Pinay na si Marjorette Garcia na natagpuang patay na may saksak sa katawan. Isinusulong ng… Continue reading Senate inquiry tungkol sa pamamaslang sa isang Pinay OFW sa Saudi Arabia, itinutulak ni Sen. Hontiveros

Mga Pilipino, patuloy na hinihimok ng Embahada ng Pilipinas sa Cairo na umalis na sa bansang Sudan

Patuloy ang mariing pakikiusap ng Embahada ng Pilipinas sa Cairo sa lahat ng Pilipinong naninirahan sa Sudan na agad na umalis sa nasabing bansa. Kasabay ito ng pagbubukas ng mga direct flight mula Port Sudan patungong Cairo. Ayon sa Embahada ng Pilipinas, para sa mga Pilipinong nais na lumikas, maaring pumunta sa Port Sudan. Pero… Continue reading Mga Pilipino, patuloy na hinihimok ng Embahada ng Pilipinas sa Cairo na umalis na sa bansang Sudan