Karagdagang mga pasilidad para sa mga drug-dependent, kinakailangan — DOH

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihayag ngayon ng Department of Health o DOH na malaki pa ang pangangailangan sa pagdaragdag ng mga bagong pasilidad at tauhan para tugunan ang problema ng iligal na droga sa bansa

Ito ang inihayag ni Dr. Alfonso Villaroman, Chief of Hospital ng Treatment and Rehabilitation Center – Bicutan makaraang aminin nito na kulang pa ang mga pasilidad para sa drug rehabilitation efforts.

Batay aniya sa datos ng DOH, may 32 Treatment and Rehabilitation Center na pinatatakbo ng Pamahalaan na kayang magsilbi sa may 3,200 pasyente.

Gayunman, sinabi ni Villaroman na sa datos noong 2019 ay nasa humigit kumulang 1.3 milyong drug users sa bansa kung saan nasa 1% o 13,000 rito ang drug dependents.

Bukod sa kulang na pasilidad, kailangan rin aniya ng mga doktor, nurse, psychologist at social worker na siyang titingin sa mga pangangailangan ng mga pasyente. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us