Kaso ng dengue sa Quezon City, patuloy na tumataas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isa pa ang namatay sa sakit na dengue sa lungsod Quezon.

Sa ulat ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit, ang bagong kaso ng nasawi ay mula sa Barangay Sto Domingo sa District 1.

Base sa tala ng CESU, dalawa na ang nasawi sa lungsod, una ay mula sa Barangay Pinyahan sa District 4.

Sa ngayon, umaabot na sa 1,344 ang kaso ng dengue mula Enero 1 hanggang Hulyo 8, 2023. Ito ay tumaas ng 39.13% o 378 dengue cases kumpara noong 2022.

Nakapagtala ang District 4 ang pinakamataas na kaso na umabot sa 294 cases at District 2 naman ang pinakamababa na may 144 na kaso.

Muling nagpaalala ang pamahalaang lungsod na huwag balewalain kung maramdaman ang mga sintomas ng Dengue, agad na magpakonsulta sa mga health center o sa mga pagamutan sa lungsod. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us